Home NATIONWIDE Pagrehistro ng mga employer sa mga manggagawa sa PhilHealth YAKAP, hinikayat ng...

Pagrehistro ng mga employer sa mga manggagawa sa PhilHealth YAKAP, hinikayat ng DOLE

4
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Acting Labor Secretary Francis Tolentino ang mga pribadong employer na tiyaking nakarehistro ang kanilang mga manggagawa sa Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) ng Philippine Health Insurance Corporation.

Sa Labor Advisory No. 10, Series of 2026, sinabi ni Tolentino na dapat suportahan at tulungan ng mga employer ang pagpaparehistro ng kanilang mga empleyado sa PhilHealth YAKAP.

Hinihikayat din ang mga employer na makipag-ugnayan sa PhilHealth para sa on-site registration sa mga lugar ng trabaho, pati na rin ang tulong sa online registration gamit ang eGov app at PhilHealth Member Portal.

Sakop ng direktiba ang lahat ng employer sa pribadong sektor, kabilang ang mga nasa informal economy.

Ang PhilHealth YAKAP ay isang national primary care benefit package na nagbibigay ng outpatient services sa mga miyembro at kanilang dependents, na layuning mabawasan ang gastusing medikal at maiwasan ang pagkaka-ospital sa pamamagitan ng maagang pag-detect ng sakit.

Hinihikayat din ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na bigyan ng excused absences ang mga empleyado na magpaparehistro o magpapakonsulta sa YAKAP clinics, habang inaasahan naman ang mga manggagawa na magpaalam nang maayos sa kanilang employer kapag kinakailangan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here