Home NATIONWIDE MPD kasado na sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

MPD kasado na sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

6
0

MANILA, Philippines – Kasado na ang buong pwersa ng Manila Police District (MPD) para sa pagbabantay sa seguridad, bukas June 12 sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng  Araw ng Kalayaan.

Sinabi ni MPD Spokesman Police Maj. Philipp Ines, madedeploy ng sapat na tauhan para masiguro  ang kaayusan at kapayapaan sa gitna ng inaasahan kaliwa’t kanang kilos protesta.

Bukod dito, makakatuwang nila ang iba pang force multipliers mula sa Bureau of Fire Protection, lokal na pamahalaan ng Maynila, mga opisyal at tanod ng barangay.

Maglalatag rin ang MPD ng mga checkpoints sa mga boundary sa lungsod ng Maynila bilang parte ng inilatag na security measures.

Sa usapin naman ng banta sa seguridad, sinabi ni Ines na wala naman silang natatanggap na anumang banta sa seguridad pero mananatili pa rin sila sa paghihigpit sa pagbabantay pagmomonitor at alerto bago hanggang sa matapos ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Una naman ininspeksyon si MPD Dir. Police Brig. Gen. Arnold Santiago ang kahandaan ng mga pulis na idedeploy upsng magbantay  para sa pagdiriwang at mga aktibidad ika-128th Philippine Independence day.

Sinabi ng MPD Chief sa bawat tauhan nito na panatiliin ang maximum tolerance sakaling dumagsa ang mga rallyista sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here