Home HOME BANNER STORY Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, generally peaceful – PNP

Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, generally peaceful – PNP

3
0

MANILA, Philippines — Naging mapayapa at maayos ang paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa buong bansa nitong Biyernes, ayon sa Philippine National Police (PNP), na nagsabing walang naitalang malalaking insidente sa mga pagdiriwang at kilos-protesta.

“As of this hour, the localized demonstrations and public assemblies being held across the country in observance of Independence Day have remained completely peaceful and orderly, with no major untoward incidents reported,” pahayag ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Ayon kay Nartatez, patuloy na minomonitor ng mga pulis ang sitwasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Interior Secretary Jonvic Remulla upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nauna nang isinailalim ng PNP sa full alert status ang lahat ng police regional offices at national support units kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Tinatayang 89,000 pulis ang ipinakalat sa buong bansa upang magbantay sa mga seremonya, pampublikong pagtitipon, transport hubs, tourist destinations, at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.

Inatasan din ang mga regional at local police units na panatilihin ang mataas na police visibility sa mga lugar na may pagdiriwang at demonstrasyon. Pinayuhan din ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance at mahigpit na sundin ang mga umiiral na crowd-management protocols.

Ayon sa PNP, patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan, event organizers, at iba pang ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang seguridad sa buong araw ng pagdiriwang. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here