Home NATIONWIDE Kapayapaan, kooperasyon sa ibang bansa patuloy isusulong ng Pinas – PBBM

Kapayapaan, kooperasyon sa ibang bansa patuloy isusulong ng Pinas – PBBM

5
0

MANILA, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na patuloy na palalakasin ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa ibang bansa upang isulong ang kapayapaan, katatagan sa rehiyon, at isang pandaigdigang kaayusang nakabatay sa mga tuntunin.

Sa kanyang talumpati sa tradisyunal na Vin d’Honneur sa Malacañang, sinabi ni Marcos:

“As we have always done, as a founding member of the United Nations, the Philippines will work with all nations in pursuing peace, stability, sustainable development, and a rules-based international order.”

“These we will always uphold and advance in the global community.”

Binigyang-diin din ng Pangulo, bilang kasalukuyang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang kahalagahan ng mas matibay na kooperasyon sa mga karatig-bansa.

Ayon kay Marcos, nakatuon ang mga talakayan sa tatlong pangunahing prayoridad: seguridad at katatagan sa enerhiya, seguridad sa pagkain, at kaligtasan ng mga mamamayan ng ASEAN.

Inaasahan din niyang muling makasama ang mga lider ng rehiyon sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Nobyembre sa Pasay City upang higit pang mapalalim ang pagtutulungan ng mga bansa.

Nagpasalamat rin ang Pangulo sa mga miyembro ng diplomatic corps para sa kanilang suporta sa kandidatura ng Pilipinas sa United Nations Security Council.

Sa pagtatapos ng programa, nakipag-toast si Marcos kay Archbishop Charles John Brown at nanalangin para sa patuloy na kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng Pilipinas at ng pandaigdigang komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here