MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot prizes ng Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 sa ginanap na draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Biyernes, Hunyo 12.
Ayon sa PCSO, ang winning combination para sa Ultra Lotto 6/58 ay 40-27-10-09-53-29, na may jackpot na humigit-kumulang ₱128 milyon, ngunit walang nakahulang tumama sa anim na numero.
Para naman sa Mega Lotto 6/45, ang winning numbers ay 44-13-22-14-04-33, na may jackpot na nasa ₱55.97 milyon, ngunit wala ring nakakuha ng kumpletong kombinasyon.
Dahil dito, inaasahang lalaki pa ang mga jackpot prize sa susunod na draw. RNT/MND