Home METRO 2 utas sa suwagan ng kotse, traysikel sa NegOcc

2 utas sa suwagan ng kotse, traysikel sa NegOcc

3
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Dalawang lalaki ang nasawi matapos araruhin ng isang mabilis na sedan ang kanilang sinasakyang tricycle sa Purok 2, Barangay Tuyom, Cauayan, Negros Occidental noong Hunyo 10.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Dolfo, 40, at Junior, 59, kapwa residente ng Barangay Tuyom.

Ayon kay Police Lt. Col. Norberto Barniso, hepe ng Cauayan Police, pauwi na ang dalawang magkaibigan mula sa isang birthday celebration nang banggain mula sa likuran ng kotse na minamaneho ni Bert, anak ng isang barangay kagawad.

Idineklara silang dead on arrival sa ospital dahil sa matinding pinsala. Hindi naman nasugatan si Bert.

Nakuha ng CCTV camera ang insidente at kumalat ang video nito sa social media.

Ayon kay Bert, hindi niya umano nakita ang tricycle dahil sa madilim na tint ng windshield ng sasakyan. Sinabi rin ng pulisya na hiniram lamang niya ang kotse nang mangyari ang aksidente.

Naghahanda na ang pamilya ng mga biktima na magsampa ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property laban kay Bert, na napag-alamang walang driver’s license.

Ayon sa pulisya, isasailalim sa regular filing ang kaso matapos lumipas ang 18-oras na itinakdang panahon para sa inquest proceedings. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here