Home TOP STORIES Proteksyon para sa gig workers ipinagtibay ng UN labor organization

Proteksyon para sa gig workers ipinagtibay ng UN labor organization

3
0

GENEVA, Switzerland – Inaprubahan ng International Labour Organization (ILO) ang kauna-unahang pandaigdigang kasunduang nagtatakda ng mga pamantayan sa trabaho para sa mga gig worker, kabilang ang mga delivery rider at ride-hailing drivers.

Nakasaad sa kasunduan ang mga proteksyon sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho, minimum na sahod, at proteksyon laban sa hindi makatarungang pagtanggal sa trabaho o pag-deactivate ng account. Inaatasan din ang mga platform na maging malinaw sa paggamit ng mga automated system o algorithm na nakaaapekto sa kita at trabaho ng mga manggagawa.

Inaprubahan ito ng 406 miyembro ng ILO, habang walong bansa kabilang ang Estados Unidos at New Zealand ang tumutol, at 36 ang nag-abstain.

Ayon sa kinatawan ng US na si Lorenzo Riboni, hindi nila suportado ang isang mahigpit at umiiral na kasunduan para sa mabilis na nagbabagong platform economy dahil maaari umano itong makasagabal sa inobasyon.

Samantala, sinabi ni Amanda Brown ng ILO Workers’ Group na makasaysayan ang kasunduan para sa mga platform worker sa buong mundo. Aniya, “For the first time in the history of international law, the women and men who move our cities, who clean and care in our homes … will be named, recognized and protected by a binding international standard.”

Bagama’t binding ang kasunduan, kailangan pa rin itong ratipikahan at ipatupad ng bawat bansa bago tuluyang maging bahagi ng kanilang mga batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here