Home NATIONWIDE Kanlaon muling nagbuga ng abo

Kanlaon muling nagbuga ng abo

3
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Muling nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano sa Negros Island nitong Sabado ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Naitala ang ash emission bandang 7:04 a.m., kung saan umabot sa 600 metro ang taas ng ibinugang abo mula sa bunganga ng bulkan. Ang kulay-abong usok ay tinangay ng hangin papuntang kanluran.

Naglabas din ang PHIVOLCS ng timelapse footage ng insidente na kuha mula sa kanilang observatory sa Canlaon City.

Nanatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Kanlaon, na nangangahulugang may katamtamang antas ng volcanic unrest o pag-aalboroto ang bulkan.

Noong nakaraang Sabado, nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng apat na ash emission events sa Kanlaon na tumagal mula 5 hanggang 68 minuto, bukod pa sa siyam na volcanic earthquakes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here