Home NATIONWIDE Military transport plane bumagsak sa India

Military transport plane bumagsak sa India

3
0

INDIA – Bumagsak ang isang military transport aircraft ng Indian Air Force habang papalapag sa isang air force station sa hilagang-silangang bahagi ng India nitong Sabado, Hunyo 13.

Sa pahayag ng Indian Air Force, ang Russian-made Antonov An-32 ay naaksidente habang lumalapag sa lungsod ng Jorhat sa estado ng Assam.

Hindi pa agad nagbigay ng detalye ang militar hinggil sa bilang ng sakay ng eroplano at kung may nasawi o nasugatan sa insidente.

Ayon sa Air Force, bumuo na sila ng isang court of inquiry upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng sasakyang panghimpapawid.

Ang Antonov An-32 ay isang twin-engine turboprop aircraft na idinisenyo upang makalipad sa matataas na lugar at matitinding kondisyon ng panahon.

Humigit-kumulang 100 yunit ng naturang eroplano ang ginagamit ng Indian Air Force para sa paghahatid ng mga suplay militar at ayuda sa mga malalayong lugar, partikular sa mga bulubunduking rehiyon ng bansa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinakabagong insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here