Home NATIONWIDE Bukidnon nagpaabot ng P1.5M tulong sa GenSan

Bukidnon nagpaabot ng P1.5M tulong sa GenSan

3
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ang pamahalaang panlalawigan ng Bukidnon ng P1.5 milyong financial assistance sa General Santos City bilang suporta sa relief at recovery efforts kasunod ng magnitude 7.8 na lindol.

Ang tulong ay pormal na itinurn-over ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na pinamumunuan ni Johan Damasco, noong Hunyo 11 bilang bahagi ng kontribusyon ng Bukidnon sa nagpapatuloy na rehabilitation efforts ng lungsod.

Nauna nang idineklara ang state of calamity sa General Santos City kasunod ng lindol.

Ang Bukidnon ay isa lamang sa maraming mga lokal na pamahlaaan na nagpaabot na ng tulong sa General Santos City.

Nauna nang nagpaabot ang Mandaue City ng P1 milyon para sa recovery efforts ng lungsod.

Samantala, naglabas din ang pamahalaan ng P100 milyon para sa reconstruction ng General Santos City Hall at pagbibigay ng financial assistance sa mga pamilyang apektado ng kalamidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here