Home NATIONWIDE 2 patay sa salpukan ng motor, pickup sa Cebu

2 patay sa salpukan ng motor, pickup sa Cebu

3
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo at isang pickup truck sa kahabaan ng Cebu South Coastal Road (CSCR) sa Cebu City nitong Sabado ng hapon, Hunyo 13.

Dead on the spot ang rider ng motorsiklo na kinilala lamang sa alyas na “Bernel.”

Samantala, isinugod pa sa ospital ang kanyang angkas na si “Krystel,” isang saleslady sa mall, ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang 23-anyos na driver ng Ford Raptor na kinilalang si “John,” residente ng Talisay City.

Batay sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Cebu City Police Office (CCPO), magkasalubong umano ang direksyon ng motorsiklo at ng pickup truck nang maganap ang insidente.

Lumabas sa pagsisiyasat na patungong northbound ang motorsiklo nang bigla umanong mag-U-turn sa isang interseksyon.

Sinubukan pa umano ng driver ng Ford Raptor na iwasan ang motorsiklo ngunit hindi na nito naiwasan ang banggaan.

Dahil sa lakas ng salpukan, tumilapon ang rider at angkas ng motorsiklo na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at pananagutan sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here