Home NATIONWIDE Isa patay sa naaksidenteng trailer truck sa C5-Ortigas Flyover

Isa patay sa naaksidenteng trailer truck sa C5-Ortigas Flyover

3
0

MANILA, Philippines – Isa ang nasawi sa aksidente sangkot ang dalawang trailer trucks sa C5-Ortigas Flyover southbound sa Barangay Ugong, Pasig City nitong Sabado ng gabi, Hunyo 13.

Ang nasawi ay ang helper ng isa sa mga trak.

Ayon sa ulat, ibinibyahe ng trak ang mga bote ng softdrinks nang bumangga ito sa isa pang trailer truck na nasiraan.

Sa salaysay ng driver ng truck, nag-overtake ang isang Elf truck sa kanyang minamaneho at hindi napansin ang isa pang trailer truck.

Wasak ang harapang bahagi ng trailer truck at naipit ang helper nito.

Nagkalat naman ang mga bote ng softdrinks sa kalsada.

Nangyari ang insidente alas-11 ng gabi ngunit nakuha lamany ang helper pasado alas-2 ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Pasig City Traffic Sector ang drayber ng trak at nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Samantala, isinara ang C5-Ortigas Flyover dahil sa nagpapatuloy na clearing operations. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here