Home NATIONWIDE Nagkaaberyang yate sa Tubbataha sinaklolohan ng PCG

Nagkaaberyang yate sa Tubbataha sinaklolohan ng PCG

4
0

MANILA, Philippines – Tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nagkaaberyang motor yacht na MY Philippine Siren 2 sa Tubbataha Reefs Natural Park noong Hunyo 14, 2026 ng umaga.

Sa ulat ng PCG, 28 katao ang sakay kabilang ang 18 divers at 10 crew.

Agad nagpadala ang PCG ng BRP Gabriela Silang at BRP Teresa Magbanua para sa search and rescue.

Nailikas nang ligtas ang lahat ng sakay at dinala sa Puerto Princesa.

Walang naiulat na oil spill o pinsala sa marine environment hanggang sa huling ulat ng PCG.

Patuloy ang monitoring ng PCG kasama ang Tubbataha Management Office para masiguro ang kaligtasan ng reef at maiwasan ang environmental damage.

Isinasailalim din sa imbestigasyon ang sanhi ng insidente.

Lahat ng pasahero at crew ay ligtas, at aktibo pa rin ang PCG sa response at protection ng Tubbataha Reefs. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here