MANILA, Philippines – Matagumpay na nagsagawa ang Philippine Coast Guard o PCG, kasama ang United States Coast Guard o USCG, Japan Maritime Self-Defense Force o JMSDF, Republic of Korea Navy o ROKN, Republic of Singapore Navy o RSN, Italian Navy, at Philippine Navy o PN, ng multinational group sail habang bumibiyahe papuntang Hawaii noong Hunyo12 bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang maritime cooperation, interoperability, at regional partnerships.
Kabilang sa mga lumahok na barko ang BRP Gabriela Silang o OPV-8301 ng PCG, BRP Miguel Malvar o FFG06 ng Philippine Navy, JS Kongo o DDG-173 ng Japan Maritime Self-Defense Force, ITS Giovanni Delle Bande Nere o P 434 ng Italian Navy, ROKS Cheon Ja Bong o LST-687 ng Republic of Korea Navy, at RSS Steadfast o 70 ng Republic of Singapore Navy.
Binigyang-diin ng aktibidad ang ibinahaging commitment ng mga bansang kalahok sa pagtataguyod ng maritime security, pagtiyak ng freedom of navigation, at pagsulong ng kooperasyon bilang suporta sa rules-based international order.
Sa pamamagitan ng coordinated maneuvers at professional engagements sa dagat, napalalim ng mga kalahok na pwersa ang mutual understanding, napalakas ang operational readiness, at napabuti ang kanilang collective ability na harapin ang common maritime challenges.
Higit pang binigyang-diin ng multinational group sail ang kahalagahan ng international collaboration sa pagtataguyod ng kapayapaan, stability, at prosperity sa Indo-Pacific region, habang pinagtitibay ang matibay na partnerships at pagkakaibigan ng mga allied at partner maritime forces.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na nakikibahagi ang PCG sa mga regional initiatives na nagtataguyod ng cooperation, trust, at ibinahaging responsibilidad sa pagpapanatili ng safe, secure, at rules-based maritime domain. Jocelyn Tabangcura-Domenden