Home NATIONWIDE GenSan Airport balik-operasyon na para sa commercial flights

GenSan Airport balik-operasyon na para sa commercial flights

3
0

MANILA, Philippines – Balik na ang operasyon ng commercial flights sa General Santos International Airport ngayong Lunes, Hunyo 15, kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

“Nagsagawa na ang DOTr at CAAP ng kumpletong safety assessment, and we confirmed na puwede nang ituloy bukas ‘yung commercial operations sa GenSan Airport para hindi na maantala ‘yung biyahe ng ating mga pasahero,” saad sa pahayag ni DOTr Secretary Giovanni Lopez.

Ang pagbabalik-operasyon ay batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang repair works sa paliparan.

Upang masiguro ang kaligtasan at maayos na operasyon, nakipag-ugnayan na ang CAAP sa mga airline, airport stakeholders, at ahensya ng pamahalaan.

Inaabisuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline para sa updated flight schedules at travel arrangements.

Matapos ang lindol, tanging ang military, government at humanitarian flights lamang ang pinapayagang mag-operate sa naturang paliparan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here