Home NATIONWIDE Lacson umaasa, agawan sa Senate leadership mareresolba sa special session

Lacson umaasa, agawan sa Senate leadership mareresolba sa special session

1
0

MANILA, Philippines – Umaasa si Senador Panfilo Lacson na maaayos ang isyu sa Senate leadership kung magkaroon ng special session.

“Kailangan ma-resolve talaga ‘yung officially, formally ‘yung leadership kung sino ang Senate president, and I hope ma-resolve ‘yan in case magtawag ng special session,” sinabi ni Lacson sa panayam ng DZBB.

Ani Lacson, hindi pa nagpapatawag ng special session si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaan na sa sesyon ng Senado noong Hunyo 3 ay naitalaga si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Temporeat kalaunan ay idineklara ng mga senador na acting Senate president matapos magkaroon ng quorum.

Ito ay kasunod ng hindi pagdalo ng bloc na pinamumunuan ni Senador Alan Peter Cayetano na magkakasunod na araw na hindi nagpakita sa sesyon at sinabing dapat na ipagtanggol ang kalayaan ng Senado.

Sa kabila nito, iginiit ni Cayetano na siya ang nananatiling “legitimate, legal, moral Senate President.”

Handa umano, ani Lacson, ang Senado sa anumang contingencies sa oras na magkaroon ng mga panggugulo.

“Nakahanda kami, at nakahanda kami sa mga contingency in case na mangyari ‘yun na manggulo siya (Sen. Alan Peter Cayetano). Mayroon na kaming pinag-uusapan,” ani Lacson.

Hinimok din nito si Cayetano na makibahagi sa usapan sa Senado.

“‘Wag manggulo. Makilahok, tapos kung ano ipinaglalaban nila, sa floor namin pag-usapan, ‘wag sa Facebook kasi hindi namin siya made-debate sa Facebook. Ang pwede, sa plenaryo,” anang senador.

Wala pang tugon si Cayetano kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here