Home NATIONWIDE Atty. Jesus Falcis sinuspinde ng SC sa paggamit ng bulgar na salita...

Atty. Jesus Falcis sinuspinde ng SC sa paggamit ng bulgar na salita sa social media post

2
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Korte Suprema ang isang abogado na gumagamit ng bulgar na mga salita sa social media post.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, pinatawan ng second division ng SC na si Atty.Nicardo M.Falcis III o Atty.Falcis na guilty sa ‘simple misconduct’ at sinuspinde rin siya sa pagsasanay ng batas bilang abogado.

Nag-ugat ang kaso mula sa Twitter post na ginawa ni Atty. Falcis nang depensahan niya ang kanyang kapatid kontra sa akusasyon may kinalaman sa reklamong qualified theft na isinampa ni Kris Aquino.

“Yung mga biased na dilawan dyan, halata kayo. Sa allegations ni Kris , paniwlaang paniwala na kayo agad. Pero sa Allegations namin na she threatened my brother, wala ako naririnig sa inyo? Pakyu kayo mga gago haha check your cognitive biases,” bahagi ng naging pahayag ni Atty. Falcis, na nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema.

Depensa ni Atty. Falcis, ang abogado ay may karapatan sa ‘freedom of speech and expression”.

Gayunman, kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Intergrated Bar of the Philippine (IBP) na nagpataw pa ng mas mabigat na parusa kung saan mula sa parusang multa ay sinuspinde pa ang nasabing abogado.

Binigyan-diin din ng Korte Suprema na dapat naiintindihan ni Atty. Falcis ang idudulot at kahihinatnan ng kanyang pahayag sa social media kabilang sa kung paano ito ikinakalat.

Giit pa ng Korte Suprema na hindi niya maaaring dahilan ang kanyang aksyon na dinidepensahan niya ang kanyang kapatid.

Dagdag pa, sinabi ng Korte Suprema na ang mga abogado ay dapat palaging kumilos sa parang naaayon sa mataas na pamantayan ng pag-uugali at moralidad na inaasahan sa mga miyembro ng bar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here