Home METRO Seguridad sa mga lugar na walang kuryente sa Mindanao, pinalakas ng PNP

Seguridad sa mga lugar na walang kuryente sa Mindanao, pinalakas ng PNP

5
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang mas pinaigting na pagpapatrolya sa mga lugar na apektado ng pagkawala ng kuryente matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Pinataas ang police visibility sa mga komunidad, establisimyento, ATM sites, gasolinahan, at iba pang mahahalagang imprastraktura sa Regions 11 at 12 upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang kaayusan.

“We have strengthened our security presence in affected areas through mobile patrols, foot patrols, and coordination with local authorities,” ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“Our objective is to reassure residents of the presence of their police not only for their safety but also for response to any request for assistance,” dagdag niya.

Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), umabot na sa 61 ang nasawi, 1,403 ang nasugatan, at 40 ang nawawala dahil sa lindol noong Hunyo 8 sa Maasim, Sarangani.

Patuloy pa ring nakararanas ng pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Davao Occidental, Davao Oriental, Davao del Sur, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, at Sarangani.

Inatasan din ni Nartatez ang mga lokal na pulis na makipag-ugnayan sa mga LGU, barangay, at utility providers upang agad matugunan ang anumang problema sa seguridad habang isinasagawa ang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente.

Tiniyak ng PNP na handa ang lahat ng yunit nito na tumugon sa mga emerhensiya at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here