Home SPORTS Tab Baldwin nagresign bilang Ateneo Blue Eagles coach

Tab Baldwin nagresign bilang Ateneo Blue Eagles coach

4
0

MANILA, Philippines — Tapos na ang panahon ni Tab Baldwin sa Ateneo Blue Eagles men’s basketball team.

Ito ay matapos magbitiw ang kontrobersyal na coach bilang head coach ngayon Lunes.

Sa isang press conference sa Ateneo main campus sa Quezon City, sinabi ni Ateneo president Fr.Roberto Yap, SJ, na tinanggap ng paaralan ang pagbibitiw ni Baldwin sa gitna ng patuloy na imbestigasyon ng gobyerno sa pagkamatay ng mga manlalaro na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sina Baterbonia at Adili ay pumanaw noong nakaraang linggo sa isang insidente ng pagkalunod sa session ng Blue Eagles team-building sa Aurora, balita na nagpadala ng shockwaves sa buong Philippine sports.

Bumaba na rin sa kanyang puwesto si Blue Eagles team manager Epok Quimpo, dahil nabuo ang iba’t ibang fact-finding bodies para imbestigahan ang insidente sa pagsasanay na kumitil sa buhay nina Baterbonia at Adili.

Sa ngayon ay tinapos ni Baldwin ang UAAP coaching stint na itinampok ng apat na kampeonato (2017, 2018, 2019 at 2022) kasama ang Ateneo, kabilang ang pagpipiloto sa Blue Eagles sa 14-0 sweep sa eliminations ng 2019 season.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here