Home NATIONWIDE Bilang ng mga nasawi sa Mindanao quake, umabot na sa 65; 176,000...

Bilang ng mga nasawi sa Mindanao quake, umabot na sa 65; 176,000 pamilya, apektado — NDRRMC

5
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 176,000 pamilya ang apektado ng magnitude 7.8 earthquake na tumama sa Maasim, Sarangani habang 65 katao ang nasawi at mahigit sa 1,400 katao ang nasugatan.

Sa Situational Report No. 7, ipinalabas araw ng Lunes, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang 176,186 pamilya o 736,386 indibiduwal, ang naapektuhan ng June 8 earthquake, tumaas ng mahigit sa 173,000 pamilya na nauna nang naiulat.

Sa apektadong populasyon, may 3,180 pamilya o 14,161 indibiduwal, ang nanunuluyan sa 37 evacuation centers, habang 14,687 pamilya, o 59,013 katao, ang nanunuluyan sa labas ng evacuation sites.

Sinabi ng NDRRMC na may 65 katao ang nasawi, 1,447 ang sugatan at 36 ang naitalang missing persons, gayunman ang pigura ay nananatling ‘subject to validation.’

Dahil sa napakalakas na pagyanig, ito ang naging dahilan ng malawakang pinsala sa Mindanao, naapektuhan ang 57,252 kabahayan, kabilang na ang 10,023 na ‘totally destroyed.’

May kabuuan naman na 135 road sections at 41 na tulay ang apektado. Sa nasabing bilang, 26 lansangan at 13 tulay ang nananatiling hindi madaanan ‘as of the latest report.’

Samantala, may 39 lungsod at munisipalidad ang patuloy na nakararanas ng power interruptions, habang nananatili namang nararanasan ang putol-putol na water supply services sa 16 na lokalidad.

Sinabi ng NDRRMC na may 14 na lungsod at munipalidad ang inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng lindol.

Patuloy namang bina-validate ng mga aworidad ang report habang nananatili namang isinasagawa ang response and recovery efforts. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here