MANILA, Philippines — Isang magnitude 6.6 na lindol ang tumama sa karagatan ng Governor Generoso, Davao Oriental nitong Lunes ng hapon, Hunyo 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang pagyanig dakong 5:18 p.m. at tectonic ang pinagmulan nito.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 164 kilometro timog-silangan ng Governor Generoso at may lalim na 86 kilometro. Naitala naman ang Intensity III sa General Santos City. Wala ring inilabas na tsunami warning kaugnay ng pagyanig.
Wala pang naitatalang malaking pinsala o nasawi dahil sa lindol, ngunit nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng mga aftershock.
Nangyari ang pagyanig isang linggo matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao at nagdulot ng malawakang pinsala sa rehiyon. Santi Celario