Home NATIONWIDE House prosecutors naghain na ng pretrial brief para sa impeachment trial ni...

House prosecutors naghain na ng pretrial brief para sa impeachment trial ni VP Sara

5
0

MANILA, Philippines — Naghain na nitong Lunes ang House prosecution panel ng 57-pahinang pretrial brief at mga dokumentaryong ebidensiya para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago ang nakatakdang pretrial conference ng Senate impeachment court sa Hunyo 18.

Isinumite ni House Secretary General Cheloy Garafil ang dokumento sa ngalan ng 11-miyembrong prosecution team na pinamumunuan ni House Committee on Justice chairperson at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.

“We filed 29 copies of the legal brief, which is more than enough copies for all senators, 24 of them,” ani Garafil sa mga mamamahayag.

Isinumite rin ng prosecution panel ang entries of appearance ng 10 pribadong abogado na tutulong sa House prosecutors sa paglilitis.

Tumanggi si Garafil na magbigay ng detalye hinggil sa laman ng pretrial brief at sa mga testigong nakalista sa kanilang isinumiteng dokumento.

Mas maaga namang sinabi ni Luistro na kabilang sa pretrial brief ang mga proposed stipulations of fact, listahan ng mga testigo, at mga dokumentaryong ebidensiya na ihaharap sa Senate impeachment court.

Ayon kay Luistro, mahigit 30 testigo ang planong iharap ng prosekusyon upang makatulong sa pagpapatibay ng mga alegasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.

Ipinaliwanag din niya na kinakailangang matukoy ang mga testigo sa panahon ng pretrial proceedings, bagamat maaaring magreserba ng ilang testigo at dokumento para sa mga usaping may kinalaman sa seguridad at availability ng ebidensiya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here