Home HOME BANNER STORY Cayetano, mga kaalyado dumulog sa Korte Suprema sa isyu ng Senate leadership

Cayetano, mga kaalyado dumulog sa Korte Suprema sa isyu ng Senate leadership

4
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Sen. Alan Peter Cayetano nitong Martes na naghain siya at ang kanyang mga kaalyado ng petisyon sa Korte Suprema kaugnay ng patuloy na alitan sa liderato sa Senado.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Cayetano, na nagsasabing siya ang Senate President, na layunin ng petisyon na protektahan ang Senado bilang institusyon at itaguyod ang mga constitutional safeguards.

Ayon sa grupo ni Cayetano, walang bisa ang sesyon, eleksyon, at reorganization dahil lumalabag ito sa Saligang Batas. Hiniling nila na manatili muna sa puwesto ang dating mga opisyal – si Cayetano bilang Senate president at si Legarda bilang Senate president pro tempore – habang dinidinig ang kaso.

Giit niya, hindi lamang ito usapin ng personalidad o political alignment kundi isyu na may mas malalim na epekto sa institusyon.

“As the petition explains, this is not about a Senate leadership issue,” sabi ni Cayetano. “Leadership positions are temporary stewardship. Leaders come and go. Political alliances change. Majorities rise and fall.” RNT/MND/Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here