Home NATIONWIDE DOLE: Imbestigasyon vs Tab Baldwin sa AEP, tuloy kahit nag-resign

DOLE: Imbestigasyon vs Tab Baldwin sa AEP, tuloy kahit nag-resign

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Martes na hindi maaapektuhan ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng Alien Employment Permit (AEP) ni dating Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin, kahit pa nagbitiw na siya sa puwesto.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, ang imbestigasyon ay nakatuon sa insidenteng naganap noong Hunyo 8 at sa umiiral na employer-employee relationship noong panahong iyon, hindi sa kasalukuyang estado ni Baldwin matapos ang kanyang resignation.

“We’re looking at an incident that transpired June 8th… the employee-employer relationship, which existed during the tragic incident, would have to be scrutinized,” sabi ni Tolentino.

Noong Lunes, kinatawan si Baldwin ng kanyang abogado sa unang pagdinig matapos siyang ma-subpoena ng DOLE. Hindi siya nakadalo dahil sa umano’y health at mental stress concerns.

Pinagpapasa siya ng DOLE ng verified answer hanggang Hunyo 25, habang nakatakda ang formal hearing sa Hunyo 29 kung saan magpapasa ng dokumento at magtatanong ng mga paglilinaw.

Ayon sa DOLE, mahalagang ma-verify ang AEP status ni Baldwin. Ipinaliwanag din nila na ang Alien Certificate of Registration ay para sa paninirahan ng foreign nationals, habang ang AEP naman ay para sa legal na pagtatrabaho sa bansa.

Dagdag ng DOLE, maaaring managot din ang Ateneo bilang employer kung mapapatunayang may paglabag. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here