MANILA, Philippines – Walang nakasungkit sa jackpot prizes ng Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49, at Lotto 6/42 sa isinagawang draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes.
Ayon sa PCSO, ang nanalong kumbinasyon para sa Ultra Lotto 6/58 ay 26-08-55-48-05-51 na may nakatayang jackpot prize na P128 milyon. Wala namang nakatama sa lahat ng anim na numero.
Para sa Super Lotto 6/49, lumabas ang kombinasyong 28-20-36-33-02-17 na may jackpot na humigit-kumulang P30.73 milyon. Samantala, ang winning combination sa Lotto 6/42 ay 35-38-39-32-37-16 para sa jackpot na nasa P30.57 milyon. Wala ring nakapag-uwi ng jackpot sa dalawang laro.
Wala ring nanalo sa 6D Lotto na may winning combination na 7-4-7-0-8-9 at prize pool na tinatayang P2.69 milyon.
Gaganapin ang susunod na draw ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes, habang magpapatuloy naman ang Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 sa kanilang nakatakdang draw schedules. RNT