Manila, Philippines — Si Johnny Manahan o Mr. M na uli ang direktor ng programang Vibe sa TV5.
Naiulat earlier na natanggap ni Mr. M na hindi na siya ang direktor nito through text messages from the program staff.
To begin with, he has no existing contract.
Mataas pa raw ang kanyang talent fee.
Ang totoo, lumikha ng kaguluhan sa mga staff dahil hindi na-handle nang maayos ang isyu—bakit nga naman lumabas pa sa media?
Ayon sa paliwanag: “Magulo ang show. ‘Yung boss ng Vibe, naninigaw ng staff sa halip na kausapin nang maayos para hindi mapahiya ‘yung tao. Eh, marami ang nakarinig kaya marami na rin ang nagbitiw!”
Dagdag-problema pa raw ang food supplier na hindi naaasikaso ang bayad kaya umabot sa P400K+ ang utang.
Hayun, tinabla sila ng food supplier!
Ang Vibe ay bukod-tanging programa na hindi sakop ng TV5 dahil tutol umano ang bossing ng programa.