Home NATIONWIDE Impeachment trial ni VP Sara, ‘di dapat maantala dahil sa usapin ng...

Impeachment trial ni VP Sara, ‘di dapat maantala dahil sa usapin ng bilang ng boto – Luistro

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Batangas Rep. Gerville Luistro nitong Huwebes na hindi dapat maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil lamang sa usapin kung dapat bang bawasan ang bilang ng botong kailangan para sa conviction.

Pinangunahan ni Luistro at ng 11 miyembro ng House prosecution panel ang pre-trial conference na isinagawa sa Senado bago ang pormal na paglilitis.

Ayon kay Luistro, inaasahang tatagal ng ilang buwan ang impeachment trial at maaaring umabot hanggang katapusan ng Setyembre.

“Mahaba pa itong trial na ito. Sa estimate ko nga, abutin ito hanggang end of September,” aniya.

Dagdag niya, hindi kailangang ihinto ang paglilitis habang pinagdedebatehan ang kinakailangang bilang ng boto para sa conviction dahil sa huling bahagi pa ng proseso ito magiging mahalaga.

Kasalukuyang pinagtatalunan kung ang two-thirds vote requirement na nakasaad sa Konstitusyon ay dapat ibatay sa buong 24 na miyembro ng Senado o sa bilang lamang ng mga senator-judges na aktuwal na makalalahok sa paglilitis.

May ilang kongresista na nagsasabing 15 boto lamang ang dapat kailanganin dahil 22 senator-judges lamang ang maituturing na makagaganap ng kanilang tungkulin sa kaso.

Ayon kay Luistro, ang usaping ito ay pangunahing saklaw ng mga tuntunin at kapangyarihan ng Senado. Binanggit din niya na dati nang tumanggi ang Korte Suprema na makialam sa mga usaping may kinalaman sa pamumuno ng Senado dahil ito ay isang political question na nasa ilalim ng constitutional autonomy ng kapulungan.

Nakatakdang magsimula ang pormal na impeachment trial sa Hulyo 6. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here