Home HOME BANNER STORY LPA namataan sa silangan ng Mindanao; posibleng maging bagyo, magpalakas ng habagat

LPA namataan sa silangan ng Mindanao; posibleng maging bagyo, magpalakas ng habagat

3
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may mino-monitor na low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao na posibleng maging tropical cyclone at magpalakas ng southwest monsoon o Habagat sa susunod na linggo.

Ang LPA, na nabuo noong Martes ng gabi, ay may medium na tsansa na maging bagyo sa loob ng 24 oras at nasa 2,700 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao, sa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, maaari itong pumasok sa PAR pagsapit ng Linggo at papangalanang “Francisco,” na magiging ikaanim na bagyo sa bansa ngayong taon.

Bagama’t inaasahang mananatili ito sa dagat at hindi tatama sa lupa, maaari nitong palakasin ang Habagat na posibleng magdulot ng malalakas na ulan, pagbaha, at landslide sa kanlurang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang monsoon break dahil sa kawalan ng Habagat, ngunit inaasahan ang mainit at maalinsangang panahon sa maraming bahagi ng bansa na may mga panaka-nakang thunderstorms, lalo na sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon at Visayas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here