Home METRO Babaeng Pulis, arestado sa drug buy-bust ops sa Koronadal

Babaeng Pulis, arestado sa drug buy-bust ops sa Koronadal

3
0

SOUTH COTABATO, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang babaeng pulis at kanyang lalaking kasama sa isang drug buy-bust operation sa Koronadal City noong Martes ng hapon.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cornel, naka-duty pa ang pulis nang mangyari ang operasyon. Nagpaalam umano ito sa kanyang nakatataas na opisyal upang bumili ng gamot bago umalis sa kanyang puwesto.

Sa isinagawang operasyon sa Barangay San Isidro bandang 4 p.m., nakabili umano ang isang poseur-buyer ng ₱500 halaga ng shabu mula sa mga suspek. Agad silang inaresto matapos ang transaksyon.

“Even if she is one of us, she must be arrested and charged. No one is exempt from the law if a violation is committed,” ani Cornel.

Hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng pulis habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Ayon sa ulat, nakatalaga ang pulis sa city police operations division at matagal nang minamanmanan dahil sa mga ulat na nag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga.

Kapwa haharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kasalukuyang nakakulong ang babaeng pulis sa detention facility ng Koronadal City Police Office habang hinihintay ang inquest proceedings.

Hindi naman isinapubliko ng mga awtoridad ang dami ng umano’y shabu na nakumpiska sa operasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here