Home NATIONWIDE Senate probe sa shooting incident sa Senado, inilibing na ni Gatchalian

Senate probe sa shooting incident sa Senado, inilibing na ni Gatchalian

4
0

MANILA, Philippines – Tuluyan nang inilibing ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian ang imbestigasyon ng Senado sa naganap na shooting incident noong Mayo 13 upang bigyang-daan ang awtoridad na gawin ng kanilang tungkulin.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na hahayaan na niyang gawin ng awtoridad at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang mag-imbestiga sa Insidente.

 “Mas magandang iwan na lang sa DOJ (Department of Justice) ang investigation. (It is better to leave the investigation to the DOJ). We can not investigate ourselves,” ani Gatchalian sa media.

Noong Mayo 13, ilang  putok ng baril ang umalingawngaw sa Senado matapos matuklasan na binabantayan ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pintuan na konektado sa Government Service Insurance System compound.

Natuklasan na tanging si Ma O Aplasca, kasalukuyang suspindido ng Office of the Ombudsman, ang nagpapaputok umano ng warning shots

Ayon kay  DOJ Secretary Fredderick Vida, na base sa preliminary investigation ng ahensiya, hindi “justified” ang pagkilos ng tauhan ng Senado.

Sinabi ni Vida na maraming personalidad ang sangkot na pawang public offices, pero hindi pinangalanan nito. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here