Home NATIONWIDE Pagkakalas ng Chinese research vessel sa floating platform sa Bajo de Masinloc,...

Pagkakalas ng Chinese research vessel sa floating platform sa Bajo de Masinloc, nirekord ng PCG, BFAR

1
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kasama ang Philippine Coast Guard, ng routine Maritime Domain Awareness o MDA flight noong Miyerkules, June 17 at naidokumento ang Chinese Research Vessel na YUE ZHAN YU KE 6 na binabaklas ang floating platform at ikinakarga sa stern nito.

Sa buong MDA flight, paulit-ulit na kinuwestyon ng sasakyan panghimpapawid ang iligal na Marine Scientific Research o MSR activities ng barko.

Ngayong araw, muli namang nagsagawa ang Philippine Coast Guard ng MDA flight gamit ang PCG Cessna Caravan aircraft.

Napansin na wala na ang platform sa shoal, at ang Chinese Research Vessel na YUE ZHAN YU KE 6 na humila sa platform noong Lunes at ikinarga ang mga binaklas nitong bahagi kahapon ay wala na rin sa paligid ng Bajo de Masinloc.

Ang natirang nasa loob ng shoal ay ang isa pang mas maliit na research vessel, ang YUE XIA YU ZHI 20028. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here