MANILA, Philippines – Naghahanap ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga adoptive families para sa siyam na retiradong Narcotic Detection Dogs (NDDs) na nagsilbi sa mga anti-illegal drug operations sa buong bansa.
Ayon sa PDEA, kabilang sa mga aso ang limang Belgian Malinois, tatlong Jack Russell Terriers, at isang Labrador, na may average na edad na 12 taon. Kamakailan lamang ay nagretiro ang mga ito matapos ang mahabang taon ng serbisyo.
Ginamit ang mga K9 dogs sa iba’t ibang operasyon tulad ng inspeksyon sa mga kulungan, search-and-seizure operations, checkpoint sa airports, seaports, at iba pang transport terminals.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, “These K9s have been loyal partners in our mission against illegal drugs. Their courage, discipline, and dedication have saved countless lives and supported countless successful operations.”
Dagdag pa niya, “We owe these dogs more than gratitude. We owe them a safe, peaceful, and loving forever home where they can enjoy their remaining years in comfort.”
Sinabi ng PDEA na hindi na angkop ang K9 facility para sa tumatandang working dogs kaya mas mabuti na silang mailipat sa mga tahanang makakapagbigay ng maayos na pag-aalaga.
Ilalathala ang profiles ng mga aso sa pahayagan at sa official Facebook page ng PDEA K9 Unit upang makahanap ng mga mag-aampon.
Ang mga interesadong aplikante ay kailangang magsumite ng application at mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng email o personal na pagpunta sa PDEA K9 Unit sa Bulacan.
Dadaan sila sa screening, interview, at matching process bago opisyal na ma-turn over ang aso. Magsasagawa rin ng post-adoption monitoring ang PDEA upang matiyak ang kalagayan ng mga K9 dogs.
Ayon kay Nerez, “Our responsibility does not end at turnover. We will continue to ensure that our hero dogs are safe, healthy, and well cared for in their new homes.” RNT/MND