Home NATIONWIDE Espasyo para sa Freedom of Expression, lumiliit – UN

Espasyo para sa Freedom of Expression, lumiliit – UN

5
0

GENEVA — Nagbabala si United Nations Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan na patuloy na lumiliit ang espasyo para sa malayang pagpapahayag sa buong mundo dahil sa pagsasama ng interes ng mga pamahalaan at malalaking kumpanya ng teknolohiya, gayundin sa mabilis na paglawak ng artificial intelligence (AI).

Sa kanyang huling ulat sa United Nations Human Rights Council, sinabi ni Khan na humihina ang kalayaan sa pagpapahayag dahil sa lumalawak na impluwensya ng estado at pribadong sektor sa daloy ng impormasyon.

“Freedom of opinion and expression, a fundamental inalienable human right, has been privatized, monetized, manipulated, and unlawfully restricted,” aniya.

Binatikos din ni Khan ang mga hakbang ng makapangyarihang mga bansa upang impluwensyahan kung paano ireregula ng ibang estado ang artificial intelligence at mga digital platform.

“Protecting freedom of expression requires States to uphold human rights,” dagdag niya.

Ipinahayag din niya ang pag-aalala sa epekto ng digital platforms sa lipunan, kabilang ang online violence laban sa kababaihan, mga panganib na kinahaharap ng mga bata sa internet, at ang paghina ng kabuhayan ng mga mamamahayag.

Others feeling the pinch, she said, were “journalists whose livelihoods are destroyed by platforms who refuse to share value, and the public whose capacity to form independent opinions is degraded by information environments polluted by hate and lies”.

Binigyang-diin din ni Khan na ang artificial intelligence ay “running amok” at nagbabala na maaaring magdulot ng seryosong problema ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya kung walang sapat na regulasyon at proteksyon.

Nagpahayag rin siya ng pagkabahala sa lumalaking kapangyarihan ng malalaking technology companies, na aniya’y nakagagawa ng mga desisyong nakaaapekto sa bilyun-bilyong tao nang walang sapat na pananagutan at pangangasiwa.

Sa mas malawak na usapin, sinabi ni Khan na may mga lider na ginagamit ang kalayaan sa pagpapahayag upang mag-udyok ng diskriminasyon at galit laban sa mga minorya, habang ang iba namang pamahalaan ay gumagamit ng mga batas laban sa terorismo at iba pang criminal laws upang supilin ang mga kritiko at mapayapang protesta. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here