Home HOME BANNER STORY Satisfaction rating ng Marcos administration, bumulusok – sarbey

Satisfaction rating ng Marcos administration, bumulusok – sarbey

4
0

MANILA, Philippines – Bumagsak sa record-low na -13 o antas na “poor” ang net satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Marso 2026, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Marso 24-31, 2026, 32% ng mga Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa administrasyon, 21% ang undecided, at 46% ang hindi kuntento. Dahil dito, lumabas ang net satisfaction rating na -13.

Ayon sa SWS, bumaba ito ng 27 puntos mula sa +14 noong Nobyembre 2025 at ito na ang pinakamababang rating ng administrasyong Marcos. Ito rin ang pinakamababang naitala sa loob ng 16 na taon mula sa -45 ng administrasyong Arroyo noong Marso 2010.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adulto sa buong bansa at hindi ito kinomisyon ng anumang grupo.

Sa 19 na usaping sinuri, pinakamataas ang rating ng administrasyon sa:

-Pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ng mga bata (+52, very good)

-Pagtulong sa mahihirap (+45)

-Pagpapatupad ng housing programs para sa mahihirap (+45)

-Paglikha ng trabaho (+42)

-Pagpapaunlad ng agham at teknolohiya (+40)

-Pagtitiyak sa food security (+32)

Samantala, pinakamababa ang rating sa:

-Paglaban sa inflation (-15)

-Pagtiyak na hindi nananamantala ang mga oil company (-12)

-Pagpuksa sa korapsyon sa gobyerno (-10)

Sa usapin ng lugar, pinakamataas ang net satisfaction sa Balance Luzon na may 0 (neutral), habang nasa -23 ang Metro Manila at Visayas, at -27 naman ang Mindanao.

Pinakamalaki rin ang ibinagsak ng rating sa mga college graduates, mula +5 noong Nobyembre 2025 tungo sa -35 noong Marso 2026.

Ayon sa SWS, bumaba ang satisfaction rating ng administrasyon sa lahat ng rehiyon, kasarian, edad, at antas ng edukasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here