GENEVA, Switzerland – Ipinahayag ng Switzerland noong Biyernes na ipinagpaliban ang nakatakdang pagpupulong kaugnay ng kasunduang pangkapayapaan sa Middle East matapos ang digmaan sa Iran, ilang oras matapos kanselahin ang biyahe ni US Vice President JD Vance papuntang Alpine country.
Ayon sa plano, layunin ng kasunduan na tapusin ang conflict sa Iran, muling buksan ang Strait of Hormuz, at simulan ang 60-araw na negosasyon para sa mas malawak na usapin tulad ng nuclear program ng Tehran.
“The planned talks between the US, Iran, Qatar and Pakistan have been postponed,” ayon sa Swiss foreign ministry.
Dagdag pa nito, “Switzerland remains ready to facilitate these talks. The relevant preparatory work at Burgenstock is continuing,” ngunit wala pang bagong petsa ng usapan.
Kinumpirma rin ng White House na kinansela ang biyahe ni Vance dahil sa “logistics of these negotiations have never been simple or predictable.”
Sa panig ng Iran, sinabi ng Tasnim agency na “nothing has been confirmed” tungkol sa pagdalo ng kanilang delegasyon.
Ayon kay Iranian Supreme Leader Mojtaba Khamenei, aprubado niya ang kasunduan kahit may pag-aalinlangan, at nagsabi siyang may “different view” siya ngunit pinayagan ito dahil sa pangakong protektahan ang interes ng bansa.
Nagbabala naman ang Iran na magbibigay ito ng “decisive” na tugon kung lalabagin ang kasunduan.
Samantala, nananatili ang presensya ng US warships sa rehiyon, habang bahagyang bumalik ang galaw ng mga barko sa Strait of Hormuz, na mahalagang ruta ng langis.
Patuloy pa ring mataas ang tensyon sa Gitnang Silangan kahit may ceasefire na nauna nang naitakda. RNT/MND