Home METRO Higit 21K itlog sa La Union, itinapon sa misdeclaration, bird flu risk

Higit 21K itlog sa La Union, itinapon sa misdeclaration, bird flu risk

3
0

LA UNION, Philippines – Pinagtanggol ng La Union Provincial Veterinary Office ang pagtatapon ng mahigit 20,000 itlog sa San Fernando City landfill matapos itong umani ng batikos online, sinabing isinagawa ito alinsunod sa umiiral na regulasyon.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Dominic Calub III, umabot sa 30,240 itlog ang laman ng shipment, ngunit 9,000 lamang ang idineklara sa dokumentong sakop ng Bureau of Animal Industry Veterinary Shipping Permit.

Dahil dito, natuklasan ang 21,240 itlog na hindi idineklara nang tama, kaya kinumpiska ang mga ito dahil paglabag sa Provincial Ordinance No. 4187-2023 sa misdeclared cargo.

Dagdag pa ng opisyal, itinuring na hindi ligtas kainin ang mga itlog dahil posibleng nagmula ang mga ito sa mga lugar na itinuturing na red zone para sa avian influenza o bird flu.

“Consumption of these eggs may pose a serious threat to human consumers. We cannot afford to allow eggs suspected of being infected with the avian influenza virus to be consumed by the public,” ayon kay Calub.

Gayunman, may mga residente na nagtanong kung paano natukoy kung alin sa 30,240 itlog ang hindi ligtas, dahil magkakasama umano ang mga ito sa iisang delivery van.

Ayon sa pulisya, si Carmelo Aguinaldo, 70, mula Tayug, Pangasinan ang dealer at sinampahan ng violation receipt dahil sa misdeclaration ng cargo.

Iginiit naman ni La Union Governor Mario Ortega na ipagpapatuloy ng pamahalaang panlalawigan ang mahigpit na veterinary border-control protocols upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here