Home HOME BANNER STORY Pre-trial sa impeachment vs VP Sara inaasahang matatapos ngayong araw o bukas

Pre-trial sa impeachment vs VP Sara inaasahang matatapos ngayong araw o bukas

2
0

MANILA, Philippines – Inaasahang matatapos ngayong Lunes, Hunyo 22, o bukas, Hunyo 23 ang pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay House prosecutor Chel Diokno of Akbayan Party-list nitong Linggo, Hunyo 21.

“Malamang matatapos na ang pre-trial natin kung hindi bukas, sa makalawa. Hindi lang naman ang prosecution ang magmamarka ng ebidensiya kundi pati ang defense, kaya may kanya-kanyang markings. Talagang kumakain ng panahon ‘yan,” sinabi ni Diokno sa panayam ng DZBB.

Pormal na nagsimula ang pre-trial sa kaso ni Duterte noong Hunyo 18 bilang initial gathering ng mga panel bago pormal na mag-convene ang senator-judges bilang impeachment court sa Hulyo 6.

Siniguro ni Diokno sa publiko na ang pagmamarka ng mga ebidensya ay hindi makakaapekto sa impeachment trial sa Hulyo 6.

Aniya, ang bilang ng boto para mapanagot ang isang impeached personality ay nananatiling isang “open question.”

“Sa ngayon, wala pa rin talagang malinaw na desisyon ang Korte Suprema pagdating sa impeachment, kung ilan ba talaga ang kailangang boto. Ang klaro lang, ang nakalagay sa Konstitusyon, kailangan may 2/3 vote ng mga senador. Kung paano bibilangin ‘yun, open question pa rin ‘yan,” ani Dioko.

Sinasabi sa 1987 Constitution na “no person shall be convicted without the concurrence of two-thirds of all the Members of the Senate.”

Si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay kasalukuyang nagtatago dahil sa inisyung arrest warrant ng International Criminal Court.

Samantala, si Senador Jinggoy Estrada naman ay naka-detain sa Quezon City Jail matapos ipaaresto ng Sandiganbayan Fifth Division para sa plunder charges, na isang non-bailable offense. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here