Home METRO Rider, dedo matapos mahulog sa construction site sa Benguet

Rider, dedo matapos mahulog sa construction site sa Benguet

3
0

TUBA, Benguet — Patay ang isang 29-anyos na motorsiklista matapos mahulog sa isang construction site sa Sitio Maramal, Camp 4, Tuba, Benguet madaling-araw ng Hunyo 23.

Kinilala ni Police Major Orville Wap, hepe ng Tuba Municipal Police Station, ang biktima na isang katutubo ng Karao, Bokod, Benguet at residente ng Camp 4, Tuba.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na may narinig na malakas na kalabog ang isang construction worker bandang hatinggabi ngunit hindi niya ito agad siniyasat dahil inakala niyang mga bumabagsak lamang na bato o debris mula sa construction site.

Natagpuan ang biktima sa lugar kinabukasan ng umaga at agad na ipinaalam sa mga awtoridad. Idineklara siyang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Bagama’t nakasuot ng helmet ang biktima, naniniwala ang mga imbestigador na tumama ang kanyang ulo sa bato nang mahulog siya sa lugar.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang matukoy ang kabuuang pangyayari sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here