Home NATIONWIDE Sa kabila ng mga pagkadismaya, Pinas may pag-asa pa – VP Sara

Sa kabila ng mga pagkadismaya, Pinas may pag-asa pa – VP Sara

4
0

LANAO DEL NORTE – Iginiit ni Vice President Sara Duterte na may pag-asa pa ang Pilipinas sa kabila ng pagkadismaya at pagkabigo ng ilang mamamayan sa kalagayan ng bansa at pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-60 Araw ng Nunungan sa bayan ng Nunungan, Lanao del Norte nitong Miyerkules, kinilala ni Duterte na may mga Pilipinong napapagod, nagagalit, at nawawalan ng pag-asa, kung kaya’t ang ilan ay nangangarap nang mangibang-bansa upang maghanap ng mas magandang oportunidad.

“Is there hope for the Philippines?” tanong ni Duterte sa kanyang talumpati.

Ayon sa Bise Presidente, nananatili ang pag-asa hangga’t hindi tinatanggap ng mga Pilipino ang kaguluhan, pang-aapi at kahirapan.

“Musulti ko kaninyo nga dunay panglaum, naay pag-asa. Kung dili nato dawaton ang kagubot, dunay paglaum kung di nato dawaton ang pagpangdaug-daug. Kung di nato dawaton na magpabiling pobre ang atoang nasod.”

Binigyang-diin din niya na dapat isipin ng mga Pilipino ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“Ang paglaom na atong kinahanglan kuptan, dili para sa atuang 15 years, kundi para sa ilang 60 years pa na nabilin ni aning atong nasud.”

Nanawagan din si Duterte sa publiko na maging handa sa mga sakuna batay sa kanyang mga karanasan sa malalakas na lindol sa Mindanao at hinikayat ang mga komunidad na maghanda bago pa man tumama ang kalamidad.

Pinuri rin niya ang bayan ng Nunungan dahil sa pag-unlad nito mula sa lugar na minsang nakilala sa mga “rido” o away ng mga angkan tungo sa pagiging halimbawa ng kapayapaan at kaunlaran sa Lanao del Norte.

“Everything starts with peace,” ani Duterte.

Ayon sa kanya, hindi uunlad ang isang komunidad kung walang katatagan at seguridad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here