Home ENTERTAINMENT Alma, naiyak sa Home Along reunion movie!

Alma, naiyak sa Home Along reunion movie!

3
0

Manila, Philippines – A mom can readily pinpoint her son when she sees one–in whatever form or shape.

Ikinagulat ni Alma Moreno ang guesting ng anak na si Mark Anrhony Fernandez sa Home Along da Riles: The Reunion Movie.

Si Mark ay anak ni Alma kay Rudy Fernandez.

Pero sa Home Along, hindi kabilang si Mark sa original cast nito kundi ang isa niyang anak, si Vandolph.

Si Vandolph ay anak ni Ness kay Dolphy na siyang bida sa Home Along, na gumaganap bilang Kevin.

Back to Mark, lakad pa lang daw nito’y kabisado na ni Alma–even his hand.

Clueless daw si Alma na nag-guest ito sa nasabing reunion movie, inspired ng 2003 sitcom sa ABS-CBN of the same title.

Sa reunion film, hindi lang aktor si Vandolph kundi prodyuser pa–bagay na ikinaka-proud ni Alma.

Nakikita ni Alma si Dolphy kay Vandolph–bilang mapagmahal din at kung paano magpatawa.

Hindi din inaasahan ni Alma na maiiyak siya sa panonood ng reunion movie: “Ang alam ko, tatawa ako! Pero dito, iiyak ako, maya-maya may sundot na nakakatawa.”

Isa sa mga tema nito’y pamilya.

Ani Alma: “Pamilya na tulungan talaga. Nag-aaway pero nagtutulungan pa din!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here