Home ENTERTAINMENT Sharon, tinawag na sinungaling ‘maleta boys’!

Sharon, tinawag na sinungaling ‘maleta boys’!

1
0
TINGNAN: Humarap sa NBI ang 16 sa 18 umano’y dating Marines na nagpakilalang “bagmen” ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, upang tumalima sa subpoena kaugnay ng kontrobersyal na alegasyon ng kickbacks sa flood control projects. | Cesar Morales

Manila, Philippines – She ain’t sweet if she’s mad.

Ganito si Sharon Cuneta lalo’t ang

ipinaparatang sa kanya’y salat sa katotohanan.

Mariing itinanggi ng Megastar ang isyung may kinalaman sa “maleta” habang nasa Marawi ang kanyang pamilya.

Ani Sharon na obyus na galit na galit: “Mga sinungaling!!!! Sobra talaga kayo!!!! Talaga ba,

magbibigay kayo ng maleta sa amin, sa Marawi pa???!!! Ang kakapal ng mukha n’yo talaga, sukdulan!”

Nasa Marawi sila ng pamilya ng singer-actress sa paanyaya ng Governor, Mayor at iba pang opisyal at kanilang mga pamilya in support of her husband Sen Kiko Pangilinan.

Giit ni Sharon, patuloy siyang nagtatrabaho’t nagpapakahirap kaya ‘di katanggap-tanggap ang inaakusa sa kanila.

“Eto nagte-taping pa ako ngayon-nagbabanat pa din ng buto at lumalaban nang patas, dahil lahat ng meron kami, pinaghirapan namin!!!

“Hindi kami katulad ninyong mga sinungaling!!!

“Kaya sabi nga nila, kapatid ng sinungaling ang magnanakaw!!!”

Ipinapasa-Diyos na lang daw ni Sharon ang mga taong nagkakalat ng maling impormasyon at paninira sa kanila.

Juice ko, of all people, si Sharon Cuneta pa ang napili nilang kaladkarin sa “maleta issue”?

Kahibangan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here