Home NATIONWIDE Titser tiklo sa iligal na droga sa Zamboanga del Sur

Titser tiklo sa iligal na droga sa Zamboanga del Sur

3
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang 40-anyos na lalaking titser sa isang operasyon laban sa iligal na droga.

Nagsagawa ng search warrant ang mga operatiba sa Purok Anonang, Barangay Upper Bag-ong Tudela, Josefina, Zamboanga del Sur bandang 5:30 ng umaga ng Miyerkules, Hunyo 24.

Ikinasa ng mga miyembro ng Josefina Municipal Police Station at iba pang law enforcement agencies ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 8 sa Molave, Zamboanga del Sur laban sa umano’y high-value drug suspect.

Sakop ng warrant ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang limang sachet na naglalaman ng shabu, limang live rounds ng caliber .45 ammunition, assorted drug paraphernalia, at isang android cellular phone sa naturang operasyon.

Dinala na sa Josefina Municipal Police Station ang suspek at mga nakumpiskang gamit para sa tamang disposisyon.

Ipipresenta sa korte ang mga nakumpiskang ebidensya at itinurn-over sa Zamboanga del Sur Provincial Forensic Unit para sa detalyadong pagsusuri. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here