Home NATIONWIDE NBI chief hinamon si Defensor: Kasuhan asawa sa alegasyon sa flood control

NBI chief hinamon si Defensor: Kasuhan asawa sa alegasyon sa flood control

3
0

MANILA, Philippines – Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang dating mambabatas na si Mike Defensor na maghain ng kaso laban sa kanyang asawang si Laguna 1st District Rep. Ann Matibag, kung talagang may kaugnayan ito sa korapsyon ng flood control project.

Ang pahayag ni Matibag nitong Huwebes, Hunyo 25 ay matapos ang alegasyon ni Defensor na sangkot umano si Ann Matibag sa korapsyon ng bilyon-bilyong pisong halaga ng flood control projects sa San Pedro, Laguna.

“As for his dragging others into the issue and accusing those involved in flood control projects — including my family — if he has solid evidence, then he should file a case,” sinabi ni Matibag.

“If they think that Mike Defensor is being harassed, as his lawyer says, they should file a case against me. Don’t involve other members of the NBI,” ipinunto pa niya.

Ang pahayag ni Defensor laban sa asawa ni Matibag ay kasunod ng anunsyo na nakatakdang magsampa ang NBI ng reklamong qualified human trafficking laban kay Defensor, asawa nitong si Julie Defensor, at anak, kasama ang iba pa sa kaugnayan nito sa Chicago KTV bar at Bleu Hotel, na nagsasagaw aumano ng human trafficking activities.

Ihahain umano ang reklamo sa Pasig City prosecutor’s office bukas, Hunyo 26.

Matatandaan na noong Abril 21 ay nilusob ng NBI ang KTV bar sa umano’y sexual exploitation activities sangkot ang mahigit 50 biktimang babae na nagtatrabaho bilang “customer care assistants” habang isinasailalim din sa sexual exploitation kapalit ng bayad na P15,000.

Itinanggi naman ng pamilya Defensor ang alegasyon at tinawag na “politically motivated.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here