MANILA, Philippines – MULING BINISITA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Region 12 o Soccsksargen region, araw ng Huwebes, palipat-lipat sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at South Cotabato para pangunahan ang paglulunsad ng mga government projects.
Unang nagpunta ang Pangulo sa Barangay Manili sa Lutayan, Sultan Kudarat, para ilunsad ang Antong Dam at Irrigation System, dakong alas-11:30 ng umaga.
Ang Antong Dam, na ni-rehabilitate sa halagang P1 billion, ay nakapagsasagawa na ng irigasyon sa 3,000 ektarya ng lupang sakahan ng palay sa mga karatig- lalawigan ng Sultan Kudarat at South Cotabato.
Pagkatapos ay tumuloy naman ang Pangulo sa Koronadal City, ang capital ng South Cotabato at kung saan nakapuwesto ang gobyerno ng Region 12, para sa “Bawat Bayan Makinabang” activity.
Sa ulat, sinasabing ito ang pangatlong pagbisita ng Pangulo sa rehiyon simula Hunyo 8, kung saan tumama ang magnitude 7.8 quake sa baybayin ng Maasim, Sarangani.
Ang unang pagbisita ng Pangulo ay sa General Santos City noong Hunyo 10 at Glan, Sarangani, noong Hunyo 15.
Kabilang din sa Region 12 ang Cotabato province. KRIS JOSE