MANILA, Philippines – Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na umano ‘y sangkot sa pagdukot at panggagahasa ng menor de edad .
Dinukot umano ng suspek ang 4 na taong gulang na babae at dinala sa Tambo , Parañaque .
Ayon sa MPD , iniwan ng suspek ang bata sa nasabing lugar at nang tangkaing kunin ang gamit na motorsiklo ay namataan siya ng mga operatiba sa follow up operation sa Maynila kaya agad siyang naaresto.
Bago ito, nasangkot na rin umano ang lalake sa dalawang kaso ng pagdukot at panggagahasa sa isang 8 at 7 taong gulang sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon.
Nasundan pa ito ng isa pang insidente sa lungsod ng Pasay .
Ang suspek ay iniharap na rin kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso. Jocelyn Tabangcura-Domenden