Home NATIONWIDE Mary Grace Piattos bilang testigo sa impeachment trial: strategy nila yan- Malakanyang

Mary Grace Piattos bilang testigo sa impeachment trial: strategy nila yan- Malakanyang

6
0
Nagpatuloy ngayong Huwebes, Hunyo 25, ang Pre-Trial Conference sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.Sa ikalimang araw ng pre-trial conference, nakatuon pa rin ang pagdinig sa marking of evidence, na kapwa target ng Prosecution at Defense na matapos sa araw na ito. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na ‘strategy’ ng prosecution team ng Kamara de Representantes kung itutuloy nito na ipresenta ang isang “Mary Grace Piattos” bilang testigo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y sa kabila ng sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa imbestigasyon ng Kamara na wala silang mga rekord ng kapanganakan, kamatayan o anumang iba pang pagkakakilanlan ng taong nagngangalang “Mary Grace Piattos.”

“Strategy po nila ‘yun. Strategy nila. Pero kung ayon sa PSA ay walang Mary Grace Piattos, so baka mahirapan silang makita kung sino ‘yung Mary Grace Piattos,” ang sinabi ni Castro.

Unang naging prominente ang pangalang Mary Grace Piattos sa pagsisiyasat ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong 2024 tungkol sa paggamit ng pondo ng Office of the Vice President at ng Department of Education. Batay sa ipinakitang mga acknowledgement receipt sa paggamit ng confidential fund disbursements. isa siya sa mga nakatanggap ng confidential funds mula sa mga opisina ng bise presidente.

Ayon sa pre-trial brief, haharap si Piattos bilang testigo para sa Article 1 ng reklamo na nag-aakusa kay Duterte ng paglabag sa Konstitusyon, graft and corruption, at pagtataksil sa tiwala ng publiko dahil sa maling paggamit umano ng P612.5 milyong halaga ng confidential funds.

Noong Pebrero, sinabi ng kampo ni VP Sara na handa silang ipaliwanag ang paggamit ng mga alyas para sa mga confidential funds, tulad ng “Mary Grace Piattos.”

Samantala, sina Xiaomi Ocho, Kokoy Villamin, Milky Secuya at iba pa, ang iba pang mga pangalan ding lumabas sa acknowledgement receipts. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here