
MANILA — Lumagda ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang memorandum of agreement (MOA) noong Lunes para sa scholarship ng 177 Navoteño students at teachers para sa school year 2026-2027.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 23 Academic Scholars, 144 Athletic Scholars, at 10 Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship beneficiaries.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, muling pinagtitibay ng lungsod ang pangako nitong suportahan ang edukasyon at personal na pag-unlad ng mga Navoteño.






