Home NATIONWIDE Yellow alert, muling itinaas sa Visayas sa manipis na power reserve

Yellow alert, muling itinaas sa Visayas sa manipis na power reserve

5
0

MANILA, Philippines – Muling isinailalim sa yellow alert ang Visayas grid sa loob ng pitong oras nitong Biyernes dahil sa manipis na reserba ng kuryente bunsod ng hindi operasyon ng tatlong malalaking coal-fired power plant.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipatutupad ang yellow alert mula alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Batay sa datos ng NGCP, umabot sa 2,523 megawatts (MW) ang available capacity hanggang alas-8 ng umaga, habang nasa 2,405 MW ang inaasahang peak demand.

Sa ilalim ng yellow alert, sapat pa ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan, ngunit manipis ang reserba at anumang hindi inaasahang aberya sa isang planta ay maaaring magdulot ng rotational brownout. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here