Home METRO 17-anyos na umawat sa gulo, patay sa saksak sa Regada Festival

17-anyos na umawat sa gulo, patay sa saksak sa Regada Festival

5
0

MANILA, Philippiens – Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos umanong masaksak sa leeg habang umaawat sa isang gulo sa Regada Festival sa Cavite noong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente malapit nang matapos ang programa matapos mauwi sa kaguluhan ang umano’y banggaan o sagian sa gitna ng maraming tao.

“Hindi natin alam kung anong purpose niya, kung tumulong, awatin o makipagsuntukan din… Magkatabi lang ang tent nila, du’n nagsimula. Magkakilala na rin sila. Nagkasagian tapos nagkaayos naman uli pero for some other reason parang na ignite ‘yung sagian few hours earlier,” ayon kay Police Colonel Socrates Jica, hepe ng Cavite City Police.

Ayon sa isang saksi, nakatakbo pa ang biktima ng ilang metro bago bumagsak. Isinugod siya sa ospital ngunit binawian ng buhay matapos tamaan ng saksak ang ugat sa kaniyang leeg.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang ginamit na patalim sa pananaksak at posible umanong susi ang ginamit.

Naaresto naman ang isang 34-anyos na suspek na umano’y nakasagutan ng tiyuhin ng biktima.

“Wala po akong alam sa nangyari na ‘yun. Pinagtulungan lang po nila ako. ‘Yung nangyari po sa tatay, hindi ko po alam ‘yun, wala po akong alam,” giit ng suspek.

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na umano’y mismong sumaksak sa biktima.

“Nakausap natin ‘yung mga magulang pati ‘yung asawa niya, subalit hindi na po natin naabutan doon ‘yung tao at hindi na rin po makontak ng mga magulang niya… Ito po ay may trabaho sabi ng ating isang witness, minsan nagko-construction at isa rin po itong tattoo artist,” ayon kay Jica. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here