Home METRO 2 kelot huling sumisinghot sa Valenzela

2 kelot huling sumisinghot sa Valenzela

4
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang dalawang kelot nang maaktuhan ng mga pulis na sumisnghot umano ng shabu sa loob ng isang sementeryo sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang mga suspek na sina alyas “Michael”, 32, at alyas “Randy”, 31, kapwa residente ng lungsod.

Sa ulay ng tanggapan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, habang nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 nang maaktuhan nila ang mga suspek na bumabatak umano ng shabu sa loob ng Saint Angelous Cemetery, Brgy., Maysan alas-7 ng gabi.

Kaagda nila itong nilapitan sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto at nakumpiska sa mga suspek ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here